4 na pulis, patay sa pananambang ng NPA sa Davao Del Sur

PNP ambush
Photo: Joy Kilam

Nasawi ang apat na pulis habang sugatan ang isa matapos tambangan ng mga hinihinalang myembro ng New People’s Army sa Bansalan, Davao del Sur.

Ayon kay Lt. Col. Harold Argamosa, commander ng 39th Infantry Battalion, rumeresponde ang mga pulis sa isang insidente ng pamamaril nang tambangan ang mga ito.

Hindi pa inilalabas ng pulisya ang pangalan ng mga pulis na nasawi.

Tinutugis na ng mga otoridad ang mga myembro ng NPA.

Sinabi ni Argamosa na itinaas na ang heightened alert sa lalawigan ng Davao del Sur dahil sa insidente.

 

Read more...