Apat na ang nasawi makaraang mabangga ng tren ang isang bus sa Main Street sa Biloxi, Mississippi.
Ayon sa mga nakasaksi, hindi agad nakaalis sa riles ang bus dahilan para tamaan ito ng paparating na tren.
Apat na ang kumpirmadong nasawi habang marami pa ang nasugatan.
Nasa 50 pasahero ang sakay ng nasabing bus nang maganap ang aksidente.
Ayon kay Biloxi Police Chief John Miller, hindi pa malinaw kung bakit huminto sa riles ang bus.
Pag-aari ng Echo Transportation ang bus at patungo sa destinasyon nito sa Biloxi, habang eastbound naman ang biyahe ng CSX train.
Nagtulong-tulong ang mga rumespondeng emergency crews para mailabas ng bus ang mga nasugatang pasahero na karamihan ay idinaan sa bintana.
MOST READ
LATEST STORIES