Orange warning level ang umiiral ngayon sa buong Southern Leyte at sa Southern Portion ng lalawigan ng Leyte.
Inalerto na ng PAGASA ang mga residente sa mga apektadong lugar hinggil sa posibleng pagbaha.
Samantala, alas 5:40 ng umaga, itinaas din ng PAGASA ang yellow warning sa northern portion naman ng Leyte.
Sa Mindanao naman, yellow warning din ang umiiral sa Lanao Del Norte, South Cotabato, Tawi-Tawi at Basilan.
Ayon sa PAGASA, ngayong araw, makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Visayas at Mindanao.
Habang bahagyang maulap na papawirin naman na mayroong isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.