Death penalty bill di uubra sa Senado ayon sa LP

kiko-pangilinan
Inquirer photo

Tiniyak ni Liberal Party President Senator Kiko Pangilinan na paiiralin nila ang conscience vote ngayon inaasahan na ang pagpasa ng death penalty bills sa Kamara.

Aniya pormalidad na lang sa Kamara ang pagboto sa House Bill 4727 na layon mapatawan ng parusang kamatayan ang mga krimen na may kinalaman sa droga.

Ngunit ayon pa kay Pangilinan maganda na rin ang mangyayaring botohan dahil malalaman na kung sinong mga mambabatas ang pabor o kontra sa panukala.

Giit pa ni ng senador na kontra sila sa death penalty dahil inutil naman ito kontra karumaldumal na krimen, mga mahihirap ang magiging biktima at paglabag ito sa mga international laws and treaties na pinasok ng bansa.

Read more...