Ipinaaresto na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang may-ari at manufacturer ng sigarilyo na Mighty Corporation.
Ito ay dahil sa tangkang panunuhol kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nahaharap ang Mighty Corporation sa isyu ng paggamit ng pekeng tax stamps.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ipinaaaresto ng pangulo ang may ari ng Mighty Corporation dahil sa economic sabotage.
Sinabi ni Panelo na ipinangangalandakan daw ng may-ari ng naturang kumpanya na marami na siyang nabiling opisyal sa bansa.
Ipinaliwanag pa ni Panelo na iniwan umano ng may-ari ng Mighty Coporation ang isang package na may laman na malaking halaga ng salapi.
Una rito, inakala raw nila na alak ang laman ng package pero nang buksan ni Special Assistant to the President Bong Go ay pera ang laman kung kaya hinabol nila at isinauli ang pera.
Naabutan umano nila ang may-ari ng naturang kumpanya sa loob na ng eroplano na.