Philhealth nagtalaga ng mga bagong opisyal

Philhealth BODNanumpa na sa kanilang posisyon bilang mga miyembro ng Board of Directors ng Philhealth sina Dr. Roy B. Ferrer at Dr. Roberto Salvador.

Ang panunumpa sa mga bagong opisyal ay pinangunahan ni Health Sec. Pauline Jean Ubial sa tanggapan ng Philhealth sa Pasig City.

Pinalitan ni Ferrer si Karen Ida Villanueva bilang kinatawan ng Employers’ Sector sa Philhealth Board samantalang si Atty. Noel Palomado naman ang pinalitan ni Salvador na kakatawan sa Formal Economy.

Si Ferrer ay nagtapos ng  BS Biology sa Ateneo de Davao University at mayroong Doctor of Medicine degree mula sa Davao Medical School Foundation.

Siya rin ay may Master of Science degree in Internal Medicine, Major in Diabetology sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center – Institute for Studies on Diabetes Foundation.

Mula noong 2000 hanggang sa kanyang appointment bilang  PhilHealth Board Member, si Ferrer ay Medical Consultant ng Ricardo Limso Medical Center sa Davao City. Siya rin ay naglingkod bilang Medical Specialist mula noong 1993 hanggang 2009, at naging Medical Officer IV sa Davao Medical Center mula 1997 hanggang 1999.

Siya rin ay naging pangulo at Chief Executive Officer of Central Lab Diabetes, Wellness, Heart and Kidneys, Inc. kung saan siya rin ay nanunungkulan bilang Chief Finance Officer.

Si Salvador naman ay nagtapos ng Doctor of Medicine degree sa the Manila Central University – FDTMF sa Caloocan City.

Bago ang appointment bilang PhilHealth Board Member, siya ay Medical Officer sa Bureau of Quarantine ng Department of Health.

Siya rin ay naging medical consultant for adult and pediatric infections and tropical diseases sa Castro General Hospital at Sto. Nino General Hospital sa lalawigan ng Bulacan; ganun rin sa Sagrada Familia General Hospital sa Pampanga at sa Lazarus Medical and Surgical Clinic sa Sta. Cruz, Maynila.

Read more...