Ito ay matapos na magbitiw sa pwesto si dating NIA administrator Peter Laviña.
Ang pagtatalaga kay Visaya ay kinumpirma ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol matapos ang cabinet meeting kahapon.
Sinabi ni Piñol na si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nag-anunsyo na si Visaya na ang bagong pinuno ng NIA.
Personal choice umano ni Duterte si Visaya para sa pwesto.
Samantala, itinalaga naman bilang bagong deputy administrator ng NIA si Engineer C’zar Sulaik.
Magugunitang nagbitiw si Laviña sa pwesto matapos ang mga balitang sangkot ito sa korapsyon sa ahensya.
MOST READ
LATEST STORIES