Gayunman, iginiit ni Yasay na isinauli na niya ito, kasama ng kaniyang naturaliztion certificate.
Taliwas ito sa una niyang ipinahayag sa Commission on Appointments (CA), na naging dahilan ng pagkakaantala ng kaniyang confirmation bilang kalihim.
Nilinaw naman ni Yasay na mali ang ulat na noong June 28, 2016 lamang siya pormal na nag-renounce ng kaniyang US citizenship, na dalawang araw lang bago siya i-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Gabinete.
Aniya, ang ginawa niyang paghahain noong nakaraang taon ay “confirmation, reiteration and furtherance” na lamang sa nauna na niyang ginawa noong 1993.
Paliwanag pa ni Yasay, ginawa na lang niya ito para makakuha ng ebidensya na ni-renounce na niya ang kaniyang US citizenship, upang matigil na rin ang mga akusasyon na siya’y isang American.
Muli namang iginiit ni Yasay na hindi legal ang pag-acquire niya ng American citizenship, dahil ang basehan nito ay depektibo.
Nabigyan aniya kasi siya ng US citizenship noong November 1986, ngunit noong panahong iyon, nagkaroon na siya ng “preconceived intent” na bumalik dito sa Pilipinas.
Gayunman, inamin naman niyang nanumpa siya bilang isang US citizen noong November 24, 1986, pero nilinaw niya na hindi ito ang tanging basehan para maging US citizen.