Testimonya ni Lascañas, hindi nakitaan ng halaga ni Lacson

lascanas2Dahil wala namang nai-prisentang hiwalay na ebidensya si dating SPO3 Arthur Lascañas, hindi nakitaan ng Senate committee on public order and dangerous drugs ng “probative value” ang kaniyang testimonya sa Senado kahapon.

Ayon sa pinuno ng komite na si Sen. Panfilo Lacson, ang naging pahayag ni Lascañas ay pasok sa doktrinang “res inter alios acta,” na ibig sabihin ay wala namang naidulot na panganib o maganda sa ibang partido.

Ani pa Lacson, hindi na niya malaman kung ano na ang kaniyang paniniwalaan.

Sa ngayon aniya, wala namang ibang naibigay na independent evidence si Lascañas bukod sa kaniyang testimonya.

Hindi rin naman aniya magagamit ang testimonya ni Lascañas, dahil dapat ginawa na niya ito noon pang alkalde si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.

Ang nakikita lamang ni Lacson na magiging resulta ng nangyaring imbestigasyon, ay maari nilang irekomenda na taasan ang parusa ng kasong perjury.

Maari din aniya nilang irekomenda ang pagsasampa ng kasong perjury laban kay Lascañas, ngunit hindi na sila mag-aabala pang pangunahan ang pagsasampa nito.

Read more...