Partikular niyang binanatan ang sinabi ni Lascañas na ipinapatay umano ng chief executive ang mga babaeng buntis, bata at iba pa noon.
Paliwanag ni chief preisdential legal counsel Salvador Panelo, puro imbento lang ang mga pinagsasabi ni Lascañas sa Senate inquiry gaya ng kanilang inaasahan.
Hindi rin daw kinukunsinti ni Pangulong Duterte ang extra-judicial killings at katunayan itinatakwil o ikinagagalit din nito.
Ayon kay Panelo, gaya ng ipinunto ni Sen. Panfilo Lacson, may pagkakaiba ang naging pahayag noon ni Lascañas sa press conference sa nakasaad sa kanyang affidavit na ginawa.
Inamin din daw ni Lascañas na wala siyang personal na impormasyon sa mga patayan at ina-assume lang niya mga ito.