Ayon kay Alvarez, kaya lang naman nila nilimitahan sa mga drug related offenses ang panukala ay dahil sa pagiging kontrobersyal nito.
Matatandaang binawasan rin ang mga kasong parurusahan ng bitay sa panukala upang mapabilis ang consensus at ang pag-pasa nito.
Gayunman ayon kay Alvarez, maari namang ipasa ang mga karagdagang kasong maparurusahan ng bitay paisa-isa, bagaman magiging mabagal ito dahil kailangan pang pag-debatehan ang mga ito.
Samantala, muli namang binalaan ni Alvarez ang mga House leaders na bumoto pabor sa panukala kung ayaw nilang mawalan ng komite o ng deputy status.
Aniya pa, maging ang abstention o absence lamang aniya sa plenary session ay posible nang matanggalan ng posisyon.