Pagkamatay ng isang Pinoy sa pagsabog sa Bangkok, hindi pa kumpirmado-DFA

Police investigate the scene at the Erawan Shrine after an explosion in Bangkok,Thailand, Monday, Aug. 17, 2015. A large explosion rocked a central Bangkok intersection during the evening rush hour, killing a number of people and injuring others, police said(AP Photo/Mark Baker)
AP photo

Hindi pa rin nakukumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang balita na may isang Pinoy na nasawi sa pagsabog na naganap sa Bangkok, Thailand.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DFA spokesperson Asec. Charles Jose, may tauhan na ang embahada ng Pilipinas sa Bangkok sa ospital na pinagdalhan ng mga nasugatan at nasawi.

Hindi pa aniya maaring kumpirmahin ng DFA ang nasabing mga balita, hangga’t hindi kumpleto ang documentary evidence na makukumpirma ng 100 percent na may Pilipino ngang kasama sa mga biktima. “Ang Embassy natin sa Bangkok ay nagpadala na ng tauhan sa Ospital para i-verify kung talagang may Pinoy na nasawi. Kailangang may documentary evidence tayo para matiyak na 100% na Pilipino po ang tinutukoy na isa sa mga nasawi,” ayon kay Jose.

Kasabay nito, sinabi ni Jose na kailangan muna nilang aralin ang sitwasyon sa Bangkok bago magpasya kung magpapalabas ng travel advisoy matapos ang pagsabog.

Pinayuhan na lamang muna ni Jose ang mga Pinoy sa Bangkok na iwasan ang magtungo sa mga matataong lugar.

Ang mga may plano naman o may nakatakdang biyahe patungong Thailand, sinabi ni Jose na maari pa naman silang umalis pero pinapayuhang maging maingat kung sila ay tutungo sa Bangkok./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...