65 bumbero na rumisponde sa Tianjin explosion, hindi pa rin natatagpuan

Inq.net AFPUmaapela na ng tulong kay Chinese President Xi Jinping ang mga kaanak ng mga nawawalang bumbero kaugnay sa August 12 explosion sa Tianjin China.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naglalabas ng impormasyon ang pamahalaan ng China sa kung ano na ang update sa nawawalang animnapu’t limang firefighters ng Tianjin county.

Ang naturang mga bumbero ang mabilis na rumesponde sa lugar nang maganap ang pagsabog na ikinamatay ng isang-daan at labing-apat katao habang mahigit sa isang-daang iba pa ang nawawala.

Samantala, bawal muna ang pagpasok ng anumang uri ng mga chemical, hazardous wastes at petroleum products sa Tianjin Port hanggang hindi pa tapos ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naganap na pagsabog.

Hindi rin iniaalis ng mga otoridad ang posibilidad na sinadya ang naturang pagsabog.

Umani rin ng batikos sa international community ang maling pag-iimbak ng mga nakalalasong chemical sa lugar ng pagsabog.
Sinabi ng ilang chemical experts na dapat ay updated ang mga otoridad sa Tianjin sa inventory ng mga chemical at kung saan nakalagay sa port area ang mga ito. / Den Macaranas

Read more...