“Oplan Tokhang 2,” kinontra agad sa Senado

INQUIRER file photo
INQUIRER file photo

Kasabay nang muling paglulunsad ng Philippine National Police (PNP) sa “Oplan Tokhang,” ay ang paghahain ni Sen. Risa Hontiveros ng resolusyon para harangin ito.

Paniwala ni Hontiveros, muling dadami ang mga drug related killings kapag muling ipinatupad ang Oplan Tokhang.

Punto pa ng senadora, muli lang din itong gagamitin ng mga abusadong pulis para pumatay at mangotong.

Dagdag pa ni Hontiveros, mas makakabuti kung ang itutuloy ay ang internal cleansing sa hanay ng pulisya, matapos na rin ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na 40% umano ng mga pulis ay sangkot sa mga iligal na gawain.

Samantala, tiniyak naman ng bagong hepe ng PNP-DEG o Drug Enforcement Group na magiging prayoridad nila ang pagsala sa mga makakasama sa muling pagsabak ng PNP sa kampanya laban ilegal na droga

Ayon kay Sr. Supt. Graciano Mijares, hepe ng PNP-DEG hindi niya hahayaan na mapasukan sila ng mga tiwaling mga pulis

Hindi rin umano sila maaring pumalpak sa Project Double Barrel Alpha reloaded.

Aminado naman si Mijares na talagang back-to-zero sila sa kampanya laban sa iligal na droga mula nang buwagin ang dating PNP Anti-Illegal Drugs Group, at kahit ang mismong kanilang opisina ay ginagawa pa lamang hanggang sa ngayon.

Read more...