Ito ay matapos ang ika-13 cabinet meeting na ginanap kahapon sa Palasyo ng Malacañang.
Ayon kay Agriculture Secretary Many Piñol, inaprubahan ng pangulo ang naturang plano matapos ang presentasyon ni Dept. of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Rodolfo Salalima.
Ayon sa pangulo, mahalaga na magkaroon ng mabilis internet connection sa bansa, kaya nais niyang gumawa ang DICT ng national broadband plan para mapabilis ang paglalatag ng fiber optics cables at wireless technologies sa Pilipinas.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay pumapangalawa sa listahan ng may pinakamabagal na internet sa 22 bansa sa Asya.
Samantala, hiniling din ng pangulo sa cabinet meeting sa Department of Budget and Management (DBM) na silipin, siyasatin at amyendahan ang procurement law.
Hindi kasi sang-ayon ang pangulo sa panukala na palaging ang lowest bidder ang mananalo sa mga kontrata gobyerno dahil hindi naman nagagarantiya ang magandang kalidad kapalit ng murang halaga.