Desisyon ng PET na pumapabor kay Marcos ipinababawi ni Robredo

robredo-marcos-0511Nag-file ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET) ng motion for reconsideration para bawiin ang pasya nito na ituloy ang electoral protest ng natalong vice presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Paliwanag ni Atty Romulo Macalintal, sa inilabas na desisyon ng PET noong Enero ay ginamit nitong basehan pagpupumilit ni Marcos na maanomalya ang naging resulta ng eleksyon sa 662 munisipalidad at mga component cities nito pati sa 2,537 cluster sa limang highly urbanized na lungsod.

Pero nanindigan si Macalintal na hindi naman nabanggit ni Marcos sa kanyang protesta na may iregularidad sa 662 municipalities at component cities kundi sa 57 municipalities and component cities lamang tulad ng nakalagay sa kanyang affidavit.

Samantala, nilinaw ni Macalintal na normal at procedural lamang pasya ng PET na nagdedeklarang may sapat na form at substance ang protesta ni Marcos.

Wala aniya itong epekto sa kaso ni Robredo at nananatili silang handa na labanan ang protesta ni Marcos at ipagtanggol ang mandato ng mga Pilipino.

Read more...