North Korea sunud-sunod na nagpakawala ng ballistic missiles

(AP File Photo/Vincent Yu)
(AP File Photo/Vincent Yu)

Nagpakawala ng magkakasunod na ballistic missiles ang North Korea sa East Sea, bilang protesta sa nagpapatuloy na joint military drills sa pagitan ng South Korea at Estados Unidos.

Ayon sa Joint Chiefs of Staff ang pagpapakawala ng ballistic missiles ay naganap alas 7:36 ng umaga oras sa South Korea.

Nagsasagawa na ng pulong at imbestigasyon ang JCS para matukoy kung anong uri ng missiles ang pinakawalan ng North Korea.

Kinumpirma naman ni Japanese Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga na 3 sa 4 na missiles ay bumagsak sa exclusive economic zone (EEZ) ng Japan na nasa 250 km west ng Akita Prefecture.

Noong Pebrero ng nakaraang taon, naglunsad ang NoKor ng long-range ballistic missile.

Sa kabila nito, mananatiling nakataas ang alerto ng South Korean at U.S. troops para harangin ang anumang pagbabanta mula sa NoKor.

Nauna nang naglabas ng pagbabanta ang Pyongyang na magsasagawa ng missile firings bilang tugon nila sa dalawang buwan na Foal Eagle exercise sa pagitan ng Seoul at Washington.

 

Read more...