Papua New Guinea niyanig ng magnitude 6.5 na lindol

Mar 6 PNGNiyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Papua New Guinea.

Naganap ang pagyanig 6:48 ng umaga oras sa PIlipinas.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang epicenter ng pagyanig sa silangan ng Lae na nasa southern coast ng PNG island na New Britain.

May lalim ang lindol na 33 kilometers.

Wala namang pacific-wide tsunami threat bunsod ng nasabing pagyanig.

Kaugnay nito, pinawi din ng Phivolcs ang pangamba na maari itong magdulot ng tsunami sa Pilipinas.

 

 

Read more...