Sa ngayon, umiiral ang yellow rainfall warning sa buong lalawigan ng Surigao del Sur; mga bayan ng San Francisco, Rosario, Bunawan, Trento at Santa Josefa sa Agusan del Sur; mga bayan ng Monkayo, Compostela at Montevista sa Compostela Valley; mga bayan ng Boston, Cateel, Baganga at San Isidro sa Davao Oriental; at sa bayan ng Calveria, Balingasag at Jasaan sa MisamisOriental.
Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng flashfloods at landslides sa nasabing mga lugar na apektado ng yellow rainfall warning.
Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan ngayon sa iba pang bahagi ng Agusan del Sur, Compostela Valley, Davao Oriental, Misamis Oriental at Camiguin, gayundin sa mga bahagi ng Surigao del Norte kabilang na ang Siargao Islands at Dinagat Islands, mga bayan ng Tubay at Jabonga sa Agusan Del Norte; mga bayan ng Malitbog, Manolo Fortich, Impasug-ong, Baungon, Talakag, at Cabanglasan sa Bukidnon; IliganCity; Kapai, Lanao del Sur; Arakan, President Roxas, Magpet sa North Cotabato; Davao City at Samal Island.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga apektadong residente na bantayan ang susunod na rainfall advisory na ipalalabas ng weather bureau.