Pag-ulan dulot ng LPA sa Mindanao, maaring magdulot ng flashfloods at landslides ayon sa PAGASA

PAGASA 5AMIsang Low Pressure Area (LPA) ang patuloy na binabantayan ng PAGASA sa Mindanao.

Huing namataan ang LPA sa layong 225 kilometers Southeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw na ito ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na maaring magdulot ng flashfloods at landlides sa buong rehiyon ng CARAGA, Davao at SOCCSKSARGEN.

Habang magiging maulap naman ang papawirin sa nalalabi pang bahagi ng Mindanao.

Sinabi ni PAGASA weather forecaster Benison Estareja, maaring dumikit sa southern portion ng Mindanao ang nasabing LPA at magpapaulan sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Maliit pa ang tsansa sa ngayon na ito ay maging isang ganap na bagyo pero patuloy pa rin itong imomonitor ng weather bureau.

Samantala Northeast Monsoon naman ang naka-aapekto sa Northern Luzon.

Sa Cagayan Valley naman, Cordillera at Ilocos, isolated na pag-ulan lang ang mararanasan.

Habang magiging maganda naman ang panahon sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

 

Read more...