Bgy. Kagawad sa Meycauayan, Bulacan tinambangan, patay

 

Mula sa FB

Patay sa tama ng bala ang isang kagawad ng Barangay sa Meycauayan, Bulacan matapos itong tambangan ng hindi pa nakilalang salarin, Linggo ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Dominador ‘Jhun’ Ramos, Bgy. Councilor ng Saluysoy, Meycauayan Bulacan.

Sa inisyal na ulat, kabababa lang ng biktima sa isang pampasaherong jeep sa McArthur highway, dakong alas 4:00 ng hapon nang paputukan ito ng riding-in tandem na lulan ng motorsiklo.

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang mga hindi pa nakikilalang salarin.

Inaalam pa ng mga otoridad ang posibleng motibo sa likod ng pamamaslang sa biktima.

Read more...