Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan ng PAGASA sa bisinidad ng Surigao Del Sur na inaasahang magdadala pa rin ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao.
Ayon sa weather bureau, namataan ang LPA sa layong 400 kilometro sa silangan-timog silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Dahil dito, asahan na ang maulap na kalangitan na may katamtamang pag-ulan at isolated thunderstorms sa Mindanao sa susunod na 24 oras.
Mararanasan rin ang bahagyang pag-ulan sa Cagayan Valley at probinsya ng Aurora, ayon sa PAGASA.
MOST READ
LATEST STORIES