6 patay sa vehicular accident sa Tabaco, Albay

 

Anim katao ang nasawi makaraang salpukin ng isang trailer truck ang nakaparadang motorsiklo sa Tabaco City, Albay, Linggo ng hapon.

Ayon sa Bicol Provincial Police Office, naganap ang trahedya sa boundary ng Bgy. Quinastillojan at Estancia sa Tabaco City.

Puno umano ng mga bakal ang trailer truck at binabaybay ang kahabaan ng national road mula Ligao City tungong Tabaco City nang mahagip nito ang nakaparadang motorsiklo sa gilid ng daan.

Sa lakas ng pagkakasalpok, agad na nasawi ang tatlong lulan ng motorsiklo.

Samantala, inaalam pa ng mga otoridad kung mga naglalakad lamang sa daan ang tatlo pang biktimang nasawi sanhi ng banggaan o mga pasahero ng truck.

Patuloy ang pagsusumikap ng mga otoridad na kilalanin ang mga biktima.

Read more...