Kumpanya ng sigarilyo na sangkot sa multi-bilyong pisong pekeng tax stamp, dapat na kasuhan agad-DOF

 

Mula sa inquirer.net

Ipinag-utos na ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue na kasuhan ang Mighty Corporation, dahil sa pagkakakumpiska ng milyun-milyong pisong halaga ng mga sigarilyo na nagtataglay ng mga pekeng tax stamp.

Sa isang statement, sinabi ni Dominguez na dapat isampa ang kaso laban sa Mighty Corp. sa lalong madaling panahon kung sapat na ang mga hawak na ebidensya laban dito.

Bukod dito, kung mapapatunayan, pinakakasuhan rin ni Dominguez ang mga opisyal ng gobyerno na posibleng kakuntsaba at protektor ng kumpanyang Mighty Corp. upang mailusot ang iligal na pag-iwas sa pagbabayad ng tamang buwis.

Matatandaang noong nakaraang linggo, sinalakay ng mga otoridad ang mga bodega ang opisina ng Mighty Corporation sa Zamboanga City, Gen. Santos City at Pampanga.

Dito, nakakumpiska ng aabot sa 2.2 bilyong pisong halaga ng mga pekeng sigarilyo na nagtataglay ng mga pekeng tax stamp ang mga otoridad.

 

Read more...