Kinilala ang nasawing biktima na si Juneau Bayani, administrative aide IV ng Calamba City Hall samantalang tinamaan rin ng bala ang kasamahan nito na si Renato Austria.
Sa imbestigasyon, Pinagbabaril ang dalawang biktima habang nasa ilalim ng tulay ng Barangay Uno, dakong alas 3:30 ng umaga.
Ayon kay Calamba City police Chief Supt. Albert Tapulao, inaalam pa ng kanyang mga imbestigador ang motibo sa likod ng krimen.
Gayunman, kinumpirma ni Tapulao na kilalang tambayan ng mga sangkot sa bentahan ng iligal na droga ang naturang lugar.
Sumuko na rin noong nakaraang taon si Bayani nang maglunsad ng ‘Oplan Tokhang’ sa kanilang lugar dahil sa paggamit ng iligal na droga.