De Lima sa hiling na ‘gag order ng DOJ: ‘Hindi ako mananahimik’

 

Mula sa Inquirer

Walang balak huminto sa pagbatikos at paghahayag ng kanyang saloobin kontra sa mga gawain ng Duterte administrasyon si Senador Leila De Lima.

Ito ang mensahe na inihayag ng senadora bilang tugon sa hiling ng Department of Justice sa Muntinlupa RTC na patawan ng ‘gag order’ si De Lima habang nakakulong sa PNP Custodial Center at iba pang personalidad na may kinalaman sa drug case na kinakaharap ng senadora.

Sa kanyang sulat-kamay na liham, sinabi ng Senador na isang paglabag sa kanyang karapatang-pantao kung pipigilan silang maghayag ng saloobin sa mga isyung may kinalaman sa ginagawa ng administrasyon.

Binatikos rin ni De Lima sa kanyang liham si Presidential Legal Counsel Salvador Panelo dahil sa pagsuporta nito sa hiling na ‘gag order’ ng DOJ.

Lalo lamang aniyang lumakas ang kanyang hinala na nais lamang siyang patigilin ng administrasyon sa pagpuna sa ginagawa anuyang ‘murderous at vindictive’

Giit pa ng Senadora, hindi siya maaring patahimikin ng sinuman.

Read more...