Pansamantalang isinuspinde ng United States Citizenship and Immigration Services ang mabilis na proseso ng H-1B visa petitions simula April 3.
Ang H-1B ay isang non-immigrant visa sa ilalim ng Immigration and Nationality Act na nagbibigay-pahintulot sa US employers na makapagbigay ng pansamantalang trabaho sa mga foreign workers na may specialty occupations tulad ng mga scientists, engineers, computer programmers at iba pa.
Batay sa press release ng USCIS, plano ng ahensiya na bawasan ang kabuuang processing time sa pamamagitan ng pagtigil ng kanilang “premium processing” system.
Maaari rin anilang tumagal ang suspensyon hanggang anim na buwan.
Ayon pa dito, ahensiya posibilidad na mabawasan ang naturang proseso sa labing limang araw sa presyong $1,225.
Samantala, aabot sa 85,000 H-1B visas ang inilalabas ng ahensiya taun-taon.