Magnitude 5.9 na lindol, tumama sa Surigao City

 

Muling niyanig ng malakas na lindol ang Surigao City. Naitala ito bilang magnitude 5.9.

Nangyari ang pagyanig kaninang alas 8:08 ng umaga na ayon sa Phivolcs ay naramdaman sa layong 13 kilometers South at 82 degrees West ng Surigao City.

Samantala, kanina namang 9:11 ng umaga ay naramdaman ang 2.6 magnitude sa Bayan ng Del Carmen, Surigao del Norte, habang naramdaman naman ang magnitude 3.0 na lindol sa Basilisa Surigao, del Norte kaninang 9:14 ng umaga.

Ayon naman sa Kapitan ng Barangay Mat-I, Surigao City na Fernando Olvis, may katagalan ang nangyaring pagyanig kayat nagdulot ito ng matinding takot sa kanilang mga residente.

Read more...