4 ASG members, patay sa engkwentro sa Sulu

Google map
Google map

Apat na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang nasawi sa naganap na engkwentro sa pagitan ng militar sa lalawigan ng Sulu.

Nabatid ng Radyo Inquirer na nagsasagawa ng opersayon ang mga tauhan ng Marines Special Operations Group sa bahagi ng Talipaw at Maimbung, Sulu nang magkasagupa ang tinatayang animnapung ASG.

Nagkaron ng palitan ng putok dahilan upang masawi ang apat.

Wala namang nasugatan o nasawi sa hanay ng sundalo.

Narekober ng mga awtoridad ang tatlong M-16 armalite rifle at mga bala.

Read more...