Sa pagbisita sa Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan de Oro, inanunsiyo ng pangulo na may ilang appointed officials ang matatanggal sa gobyerno sa mga susunod na araw.
Magsisilbi aniya itong babala na itigil ang maling kalakaran kahit sa anim na taong pag-upo lang aniya niya bilang Punong Ehekutibo.
Samantala, hinikayat rin ng pangulo ang mga businessmen na makiisa sa kampanya kontra korapsyon sa pagtigil ng mga maanomalyang transaksyon sa iba’t ibang government offices.
Pinaalala rin ni Duterte na kilalanin ang mga naturang opisyal na magbabakasaling mangikil kapalit ang serbisyo mula sa gobyerno.
Ilan sa mga nabanggit na ahensiyang sangkot sa naturang alegasyon ang Bureau of Customs, Bureau of Immigration at Bureau of Internal Revenue.