Bangkay ng German na pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf, narekober na ng militar

jurgen kantner1Narekober na ang bangkay ng German na si Juergen Kantner na pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf sa Indanan, Sulu.Ayon kay Joint Task Force Sulu Commanding Officer Col. Cirilito Sobejana, nadiskubre ang bangakay ni Kantner sa Sitio Talibang, Barangay Buanza bandang 5:45 ng hapon ng Sabado.

Kasunod nito, agad na tumawag sa Scene of the Crime Operatives para maiproseso ang lugar, makakalap ng ebidensya at makapagsagawa ng post mortem procedures sa bangkay.

Pansamatalang mananatili sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital sa Jolo, Sulu ang bangkay ni Kantner.

Matatandaang kinumpirma ng pamahalaan at ng militar ang naging pagpapatay kay Kantner noong February 27.

Read more...