Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, pinapahalagahan ng gobyerno ng Pilipinas ang karapatang pantao.
Kaugnay ito ng ulat na inilabas ng Human Rights Practices for 2016 report ng US State Department kung saan nakasaad dito na tumaas ang bilang ng extrajudicial killings mula ng maupo bilang pangulo si Duterte.
Base sa nasabing ulat, nasa mahigit 2,000 drug suspects ang napatay ng mga pulis sa ilalim ng Operation Double Barrel habang hindi baba naman sa 4,000 ang drug-related vigilante-style killings.
Nakasaad din sa naturang report na sa kabila ng malaking bilang ng mga napatay ay nakapagsiyasat ang pamahalaan ng ilang kaso kaugnay ng mga pag-abuso sa karapatang pantao.