Ayon kay QCPD Director Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T Eleazar, ang mga ito ay sinampahan ng kaso kagabi sa harap ni QC Asst. City Prosecutor (ACP) Nilo Peñaflor.
Kinasuhan nila ng illegal possession of firearms, frustrated murder at direct assault sina Jonathan S. Ledesma at Joseph R. Sabbaluca dahil sa pamamaril nila na ikinasugat nina PO2 Henry Hular at PO3 Joemarie Oandasan na pawang mga naka-assign sa mga QCPD District Special Reaction Unit (DSRU).
Magsisilbi umano sila ng search warrant ng maganap ang pamamaril sa bahay ng pamilya Manalo.
Habang illegal possession of firearms ang isinampa nila laban sa magkakapatid na Felix Nathaniel “Angel” V. Manalo at Lolita “Lottie” Villanueva Manalo-Hemedez at 23 iba.
Base sa resulta ng kanilang ng paghalughog sa bahay ng mga Manlo ay nakarekober ang QCPD ng limang assault rifles, bala, spare parts ng mga baril, dalawag tirador, dalawang extended night sticks at isang folding knife.
Nauna nang sinabi ni Ka Angel na away-pamilya ang nangyari at ginigipit lamang sila ng mga tuhan ng QCPD.
Samantala, nakatakda namang iturn-over ng QCPD sa DSWD ang dalawang menor-de-edad na kasama sa kanilang mga hinuli mula sa compound ng pamilya ni Iglesia ni Cristo Executive Minister Eduardo Manalo.