Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailanman ay hindi niya itinanggi ang kanyang mga ipinag-utos sa anti-drug operations matapos akusahan ng Human Rights Watch na may kriminal na pananagutan ito sa libu-libong namatay kaugnay ng gyera ng pamahalaan kontra droga.
Aniya, nagdeklara siya ng giyera kontra droga.
Hinimok pa ni Duterte ang HRW na puntahan siya sa Malacañang at doon ipresenta ang kanilang ginawang report.
Kinwestyon rin ni Duterte kung bakit matatawag na labag sa batas ang kanyang pahayag na papatay siya ng tao para sa bayan.
Bilang isang lider ng bansa sinabi ng pangulo na dapat maging seryoso ang bawat isa sa pagsasa-ayos ng ating lipunan.
Noong Huwebes, inilabas ng HRW ang ulat nitong pinamagatang ‘License to Kill’ ukol sa giyera ng pamahalaan kontra droga kung saan inakusahan nito si Duterte na ‘criminally liable’ sa mga patayang kaugnay nito.
Isinaad din sa ulat ang pagkakasangkot umano ng mga pulis sa extra judicial killings.