Dagdag na benepisyo napakinabangan na ng mga SSS pensioners

SSS pensionerLarawan ng kasiyahan ang mga pensyonado ng Social Security System (SSS) na nagpunta sa mga bangko kahapon at kinuha mula sa kanilang bank account ang P1,000 dagdag benepisyo para sa buwan ng Enero 2017 matapos aprubahan ni Pang. Rodrigo Duterte ang paglabas ng pondo para dito noong Pebrero 22.

Nasa larawan ang pensyonado na si Erlano M. Wenceslao habang pumipila at kinuha ang kanyang dagdag benepisyo sa Philippine National Bank na nasa SSS head office sa East Avenue, Quezon City. Si G. Wenceslao, 74, ay isang pensyonado mula pa noong Setyembre 2004.

Samantala, ang P1,000 dagdag benepisyong diperensyal para sa buwan ng Pebrero at Marso ay maaaring i-withdraw sa Marso 10 at 17.

Sinabi ng pamunuan ng SSS na may mga dagdag pakinabangan pa mula sa ahensiya ang mga regular na miyembro nito.

 

Read more...