Malacañang pabor sa gag order para sa mga kaso ni De Lima

De Lima grim
Inquirer file photo

Pabor si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa paghahain ng gag order ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 para sa mga kaso ni Senador Leila de Lima.

Kapag napagbigyan ang gag prder, pagbabawalan na ang lahat ng partidong naghain ng mga kaso laban kay De Lima na pag-usapan ang merito ng kaso sa publiko base sa umiiral na sub judice rule.

Sa isang panayam, sinabi ni Panelo na nararapat at napapanahon lamang ito dahil ginagamit umano ito ni De Lima para sirain ang reputasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sang-ayon din si Panelo na kinukundisyon ng kampo ng Senadora ang publiko, gaya ng ipinahayag ni Senior Assistant City Prosecutor Leilia Llanes.

Ipinahayag naman ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na umaasa siya na susundin ng lahat ng partido ang gag order para hindi makundisyon ang publiko sa merits ng kaso.

Read more...