Inilahad ni Senator Alan Peter Cayetano na pinopondohan ng mga drug lords ang destabilization plot katuwang ang ilang human rights organizations at ibang grupo laban sa administrasyong Duterte.
Sa P20 hanggang P500 bilyong industriya ng droga, sinabi ng senador na hindi na nakakabigla kung lumaban ang mga drug lords gamit ang armas at pera upang pigilan ang anti-drug campaign.
Ngunit pag-anim ng senador, wala siyang detalye kung paano ang nagiging transkasyon sa umano’y destabilization efforts ngunit nakatanggap aniya ng impormasyon ang security officials ukol dito.
Aniya pa, financial transactions ang ilang sa mga nakalap na impormasyon.
Kaya bwelta ni Cayetano, huwag maging inosente sa patagong aksyon ng mga ito.
Sa kabila ng kakulangan sa ebidensya, iginiit pa nito na hindi na dapat pagtalunan ang drug funding dahil aniya, isang “internationally accepted fact” ang ganitong kalakaran sa buong mundo.