DepEd, kukuha ng 40,000 bagong guro para sa pagpapalawig ng K-12 porgram

Pupils1
Inquirer file photo

Aabot sa 40,000 na bagong guro ang kukunin ng Department of Education para sa pagpapalawig ng implementasyon ng K-12 program ngayong taon.

Ayon kay Jesus Mateo, Education Undersecretary for field operations, kalahati sa mga bakanteng posisyon ay mga gurong magtuturo sa Grade 12 para sa susunod na taon.

Base sa pirmadong guidelines ni Education Secretary Leonor Brioner, mahigit 55 bilyong piso ang nakalaang pondo para sa mga makakapasok na aplikante sa mga pampublikong paaralan.

Nailabas na rin ang memorandum sa naturang job offer na aprubado ng Department of Budget and Management sa ilang DepEd regional offices.

Paalala ni Mateo, kailangan ng lisensiya ng mga aplikanteng nais magturo sa Grades 1 hanggang 10 habang limang taon naman ang requirement para sa mga magtuturo sa senior high school upang makapasa sa licensure examinations.

Read more...