Iloilo inalerto dahil sa bantang pagsalakay ng NPA

NPA members
Inquirer file photo

Nasa heightened alert ngayon ang buong pwersa ng pulisya at militar sa Iloilo dahil sa bantang pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army sa ilang mga lugar sa lalawigan.

Sa nakakalap na intelligence report, sinabi ni Iloilo Provincial Police Officer Spokesperson C/Insp. Aron Palom na validated ang kanilang impormasyon na nakuha kaugnay sa balak na pag-atake ng mga NPA guerillas.

Kabilang sa kanilang mga target ay ang Universal Robina Corporation sa bayan ng San Enrique at ang Salcon Power Corporation na matatagpuan naman sa bayan ng Dingle.

Lulusubin rin umano ng mga NPA members ang munisipyo ng Passi pati na ang Central Azucarera de Antonio na matatagpuan rin sa nasabing lalawigan.

Kagabi ay naireport na limang bahay sa bayan ng Passi ang sinalakay ng mga rebeldeng komunista kung saan ay tinangay umano nila ang ilang mga pagkain at kagamitan ng ilan sa mga ito.

Naglagay na rin ng dagdag na checkpoints ang AFP at PNP kaugnay sa nasabing pangyayari.

Read more...