Chinese national, nagtangkang magpakamatay sa NAIA

NAIA Terminal 3Sugatan ang isang Chinese national matapos tumalon mula sa third floor ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Ayon kay NAIA Terminal 3 Manager Rick Medella, hindi pinayagan ng immigration officer na makalabas ang nasabing Chinese national.

Dahil dito, bigla na lang umalis ang Chinese, umakyat sa 3rd floor ng airport, saka biglang tumalon.

Mabuti na lamang sa bubong ng terminal bumagsak ang Chinese dahilan para masugatan lamang ito, at hindi tuluyang namatay.

Matapos dalhin sa ospital, dinala naman na ngayon sa kustodiya ng airport police.

Inaalam pa naman ngayon kung ano ang naging dahilan kung bakit hindi pinayagang makalabas ng Pilipinas ang naturang foreigner.

Read more...