Publiko, binalaan ng FDA laban sa mga hindi rehistradong produktong pampaganda

Make UpSa halip na gumanda at kuminis ang kutis ay baka mapasama pa.

Ito ang babala ng Food and Drugs Administration (FDA) ukol sa mga kumakalat na hindi rehistradong produktong pampaganda.

Sa ipinalabas na abiso ng ahensiya,15 produkto sa merkado ang nadiskubre nilang hindi dumaan sa kanilang pagsusuri.

Giit ng FDA hindi nakakatiyak ang publiko sa kaligtasan at kalidad sa paggamit ng mga produkto, na kinabibilangan ng mga sabon, facial masks, whitening products, sunscreen, toners at creams na may brand names na Rossy Me Skin Care and Cosmetics at Secrets of Professionals.

Nabatid na ilan lang sa maaring idulot ng mga produkto ay skin irritation, pangangati, anaphylactic shock hanggang sa organ failure dahil sa kemikal na taglay ng mga ito.

Read more...