Cold treatment ng Senate media, balewala lamang kay Secretary Martin Andanar

Andanar21Ipinagkibit-balikat lamang ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang malamig na pagtrato sa kaniya ng senate media.

Ito ay matapos isnabin ng mga kagawad ng media si Andanar nang imbitahan siya sa dinner ni Senate President Koko Pimentel III.

Ayon kay Andanar, hindi niya kasi mahindian ang imbitasyon ni Pimentel lalo’t magkalapit ang kani-kanilang pamilya.

Sinabi pa ni Andanar na bilang tagapagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte, inaasahan na niya ang mga batikos, mura at iba pang uri ng paninira.

Halos lahat aniya ng naging press secretary at spokesperson ay nakakatikim ng mga pambabatikos.

Read more...