Nakiisa na rin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga bumabatikos sa pagpapahubad ng PDEA sa daan daang detenido sa Cebu Provincial Detention and Rehabilation Center matapos asabay nang pagsasagawa ng anti drug operations.
Ayon kay Rodolfo Diamante, Executive Secrteary ng CBCP Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care, nararapat lang na imbestigahan ng Commission on Human Rights ang ginawa ng PDEA sa mga preso.
Giit nito dapat papanagutin ng CHR ang mga opisyal na responsable sa pangyayari sa katuwiran na matinding paglabag ito sa dignidad ng isang tao.
Magugunita na naging viral sa social media ang larawan kung saan makikita ang mga hubo’t hubad na detenido habang naghahanap ng mga kontrabando ang mga PDEA agents.
Matapos ang operasyon may mga nakumpiskang armas, droga at P91,000 cash mula sa mga preso.