Drug den sa Cubao, QC, sinalakay ng PDEA

cubao raid 2
Kuha ni Alvin Barcelona

Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency- National Capital Region (PDEA-NCR) ang isang babae na sinasabing operator ng drug den sa Betsaida St. Brgy. Martin de Porres sa Cubao, Quezon City

Ayon kay PDEA-NCR chief Wilkins Villanueva ang suspek na si Jasmine Sandico, ay inaresto sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Elvira Panganiban ng Quezon City Regional Trial Court branch 227.

Dinampot din ang siyam na pinaniniwalaang naagmementena ng drug den at labingisa pang mga user na irerekomenda ng PDEA para isailalim sa drug rehabilitation.

Kuha ni Alvin Barcelona

Nakakumpiska ang mga operatiba ng PDEA-NCR ng 20 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 50 gramo at tinatayang may street value na P200,000 at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Villanueva, base sa kanilang isang buwang surveilance sa lugar, gumagamit ang grupo ni Sandico ng mga bata sa pagbebenta ng droga.

Ang mga suspek ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...