DepEd magsasagawa na ng orientation sa mga guro at school personnel para sa random drug testing

deped logoBilang paghahanda sa isasagawang random drug testing, isasailalim na sa orientation ng Department of Edcuation (DepEd) ang mga guro at iba pang school personnel.

Hahatiin ng DepEd sa anim na clusters ang pagsasagawa ng taining-orientation na kinabibilangan ng mga sumusunod na lokasyon:

Angeles City – para sa Regions 2 at 3 Manila – para sa Regions 4A, 4B, 5 at 8
Cebu City para sa Regions 6 at 7
Davao City – para sa Regions 9, 11, 12 at ARMM
Cagayan de Oro para sa Region 10 at CARAGA
Baguio City – para sa Region 1 at CAR

Sa gagawing orientation-training, ituturo ang legal at regulatory aspect ng drug testing; sasanayin ang Regional and Schools Division personnel sa specimen collection at testing; tatalakayin kung paano ang magiging hakbang sa mga estudyanteng magpopositibo sa droga; at ituturo ang documentation at recording ng proseso ng drug testing.

Dalawang participants mula sa bawat Regional office ang dadalo sa training na kabibilangan ng health coordinator, at Regional Director o di kaya ay authorized representative;

Anim na participants naman mula Schools Division offices kabilang ang school division superintendent, medical officer, guidance counselor, 2 division nurses, at ang principal;

10 facilitators at resource persons, at anim na secretariat personnel mula sa Central Office ng DepEd.

Sasakupin ng random drug testing ang mga estudyante sa high school, mga guro sa elementary at high school, at ang mga opisyal at empleyado ng Central, Regional, at School Division offices ng DepEd.

Read more...