Base sa datos na hawak ni Cayetano mahigit 77,000 katao aniya ang napatay sa loob ng anim na taong panunungkulan ni PNoy.
Sa 32 percent sa mga kasong murder nung panahon ni PNoy ay 18 percent lamang umano dito ang natukoy o nahuli ang mga suspek.
Sa loob din ng 6 na taon ng Aquino admin, umabot sa mahigit 93,000 ang mga isinagawang anti-drugs operation, habang sa Duterte administration sa loob lamang ng 6 na buwan nasa mahigit 43,000 ang nailunsad na anti-drugs operation.
Binigyan katwiran naman ni Cayetano na sa mahigit 7,000 napatay na binabatikos ng mga Human Rights Group, mahigit 2,500 dito ay napatay sa lehitimong operasyon habang mahigit 5,000 naman ang pinatay sa ibang insidente.
Ipinagmalaki naman ni Cayetano na umabot na sa 1.1 milyong adik ang sumuko, habang nasa mahigit 79,000 naman ang sumukong pusher sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.