WATCH: Gabriela, nanawagan ng proteksyon para sa mga BPO employees

Inilunsad ng grupong Gabriela ang kampaniya na magbibigay protesyon kontra karahasan sa mga manggagawa, partikular na sa mga babaeng call center workers.

Nakiisa naman sa isinagawang programa na may temang #WomenStrike1billionRising ang mga call center agents na nakabase sa Makati City.

Naging bahagi ng programa ang pagkondena at paghingi ng hustisya para kay Eleonor Gonzales, isang call center agent ng Alorica, na brutal na pinatay matapos holdapin.

Naglalakad si Gonzales sa ibabaw ng Makati-Mandaluyong Bridge at papasok sa trabaho madaling araw ng nakalipas na Pebrero 3 nang siya ay barilin ng hindi pa nakikilalang salarin.

Narito ang report ni Jan Escosio:

Read more...