Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa ilang lalawigan sa Mindanao

Yellow Rainfall WarningItinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan sa Mindanao dahil sa pag-ulan dulot ng easterlies.

Sa abiso ng PAGASA, alas 12:00 ng tanghali, yellow warning level ang nakataas sa Davao Oriental, Davao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Sur at Compostela Valley.

Ayon sa PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar ay maaring makaranas ng pagbaha.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Davao City, Samal Island, Bukidnon, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Lanao del Sur, South Cotabato at Zamboanga City.

 

 

Read more...