Mga motorista, inabisuhan sa isasagawang road re-blocking at repair projects sa QC ngayong wekeend

Road re-blocking and repairNagpa-abiso na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista hinggil sa isasagawang road re-blocking at road repair projects ngayong weekend.

Ayon sa MMDA, mula mamayang alas 1:00 ng gabi (March 3) hanggang alas 5:00 ng umaga sa Lunes, March 6 ay magsasagawa ng pagkukumpuni sa ilang pangunahing lansangan sa Quezon City.

Apektado ng re-blocking at repair ang mga sumusunod na lansangan:

Southbound:
– Mindanao Avenue – mula Mindanao Avenue Bridge hanggang Tandang Sora Avenue.
– Commonwealth Avenue – mula Don Jose St. patungong San Simon St.
– Quirino Highway – mula Mindanao Avenue patungong Bernardino St.

Westbound:
– Congressional Avenue Extension – mula sa harap ng Shell-Miranila Gate.

Ang mga motorista ay pinapayuhang iwasan ang nasabing mga kalsada ngayong weekend para hindi maabala.

 

 

 

Read more...