Talent Manager na si Cornelia Lee, o mas kilala bilang Tita Angge, pumanaw na

Tita AnggePumanaw na sa edad na 70 ang talent manager na si Cornelia Lee o mas kilala sa showbiz industry bilang Tita Angge.

Ayon sa anak ni Tita Angge, na si Imelda, pumanaw ang talent manager alas 9:20 kagabi sa kanilang bahay sa Antipolo.

Matagal nang comatose si Lee matapos itong atakihin sa puso.

Noong March 2016, walang malay na isinugod sa ospital si Tita Angge pero nai-revive ng mga duktor.

Sa Loyola Memorial sa Marikina City ibuburol si Lee mula ngayong araw.

Nagsimula ang career ni Tita Angge sa radyo at telebisyon at bilang isang film talent bago siya naging talent manager at casting director.

Kabilang sa mga hinawakan niyang talent sa showbiz sina Sylvia Sanchez, Mickey Feriols, Timmy Cruz at Smokey Manaloto.

 

 

 

 

Read more...